Home HOME BANNER STORY Gov’t officials na ‘kidnappers’ ni Digong, kinasuhan ni Baste

Gov’t officials na ‘kidnappers’ ni Digong, kinasuhan ni Baste

262
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng kaso nitong Lunes si Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte laban sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno kaugnay ng pag-aresto noong Marso 11 sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa abogado niyang si Israelito Torreon, inihain ang reklamo sa Ombudsman para sa Mindanao alas-8:55 ng umaga.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Interior Secretary Juan Victor Remulla, Defense Secretary Gilbert Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año, Justice Secretary Crispin Remulla, Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, at dating PNP chiefs Nicolas Torre III at Rommel Marbil, kasama ng iba pa.

Nahaharap sila sa kasong kidnapping, arbitrary detention, qualified direct assault, usurpation of judicial functions, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Samantala, naghain ng apela ang kampo ng dating Pangulo para sa pansamantalang paglaya mula sa kanyang pagkakakulong sa The Hague, kung saan siya nililitis kaugnay ng umano’y crimes against humanity dahil sa drug war killings.

Bago ito, tinutulan ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ang apela, binanggit ang pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte sa The Hague na ang kanyang ama ay “kinidnap” ng ICC, at ang biro niya tungkol sa posibleng pagtakas nito mula sa kulungan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here