Home HOME BANNER STORY LGU clearance sa mga proyekto ng gobyerno, ibinalik ni PBBM

LGU clearance sa mga proyekto ng gobyerno, ibinalik ni PBBM

322
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na muling kakailanganin ang clearance ng lokal na pamahalaan bago ideklarang tapos ang mga pambansang proyekto sa imprastruktura, isang safeguard na tinanggal noong nakaraang administrasyon.

“We are putting it back because that is one of the best safeguards that we have,” ani Marcos, na nagsabing noong gobernador siya, walang proyektong natatapos nang hindi tinatanggap ng LGU. Iginiit niyang pinakamainam ang lokal na opisyal para tiyaking maayos ang kalidad ng proyekto.

Pinagtibay din ni Marcos ang mandato ng bagong Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sisiyasat sa mga iregularidad sa flood control projects. Pangungunahan ito ni retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr., kasama sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at SGV executive Rossana Fajardo, habang consultant si Baguio Mayor Benjamin Magalong.

May kapangyarihang mag-isyu ng subpoena ang ICI at rerepasuhin nito ang 10 taong flood control contracts, ngunit hindi ito direktang magsasampa ng kaso. Ayon kay Marcos, araw-araw magpupulong ang komisyon upang mapabilis ang resulta.

Idinagdag niya na ang pondong matitipid mula sa pagkansela ng lahat ng flood control projects sa 2026 ay ilalaan sa edukasyon, agrikultura, kalusugan, pabahay, ICT, paggawa, enerhiya, at mga programang panlipunan. “What we really want is to fix the system… We have to make it nothing less than a turning point in the conduct of governance in the Philippines,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here