MANILA, Philippines – Muling magtataas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga lokal na kompanya simula Martes.
Ayon sa Seaoil, tataas ng ₱0.50 kada litro ang diesel, habang ₱0.10 kada litro naman ang dagdag sa gasolina at kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng taas-presyo sa gasolina at ikaapat para sa diesel at kerosene.
Ibinunton ng industriya ang pagtaas sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East at nakatakdang bagong parusa laban sa Russia na nagpapataas sa pandaigdigang presyo ng langis. RNT