Home METRO Grupo ng mga mangingisda naalarma sa fish kill sa Laguna de Bay

Grupo ng mga mangingisda naalarma sa fish kill sa Laguna de Bay

1
0

MANILA, Philippines – Naalarma ang grupo ng mga mangingisda na Pambansang lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas. (PAMALAKAYA) nitong Biyernes dahil sa ulat na fish kill sa Laguna de Bay partikular sa lugar ng lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Pamalakaya hindi pa matukoy ng mga residente ng mangingisda ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda ngunit hinala nila na may kinalaman sa sakuna ang isang water concessionaire na naglabas umano ng waste water.

Sa isang pahayag, hinimok ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na “imbistigahan kaagad” ang fish kill.

“Nananawagan kami sa LLDA na agarang imbestigahan ang fish kill. Dapat ding imbestigahan ang mga pabrika at water concessionaire na nag-o-operate sa paligid ng lawa, dahil sila ang madalas na pangunahing responsable sa pagkasira ng kapaligiran at pagkagambala sa ekolohiya. Dapat silang papanagutin kung mapatunayang may sala,” pahayag ni Arambulo.

Nakikipag-ugnayan ang PAMALAKAYA sa mga lokal na mangingisda sa lalawigan ng Rizal upang suriin ang epekto ng fish kill sa kabuhayan ng mga mangingisda at mga residente sa mga baybaying-lawa. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here