Home METRO Gulay sa Benguet, tinatapon na lamang dahil sa oversupply, kakulangan ng mamimili

Gulay sa Benguet, tinatapon na lamang dahil sa oversupply, kakulangan ng mamimili

1
0

BENGUET, Philippines – Ilang truckload ng carrots, pechay at repolyo ang iniulat na itinapon sa gilid ng kalsada sa Tublay, Benguet, dahil umano sa sobrang suplay ng gulay at kakulangan ng mga bumibili.

Ayon sa ilang magsasaka, umaabot hanggang dalawang araw ang pila sa mga trading center. Dahil dito, bumababa ang kalidad ng kanilang ani bago pa man ito maibaba at kakaunti na lamang ang bumibili, kaya napipilitan silang itapon ang mga gulay.

Nangyari ito habang may mga reklamo tungkol sa mababang farmgate prices kahit tumataas ang presyo ng mga produktong agrikultural sa mga pamilihan. Wala pang pahayag ang Department of Agriculture tungkol sa insidente.

Ayon naman kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) executive director Jayson Cainglet, hindi dapat tumataas ang presyo ng mga produktong agrikultural kahit naapektuhan ng masamang panahon ang sektor.

Hinimok ni Cainglet ang mga lokal na pamahalaan at Department of Agriculture na pabilisin ang ayuda para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng masamang panahon.

Nanawagan din siya para sa agarang pamamahagi ng mga kapalit na bangka at kagamitan ng mga mangingisda upang makabalik sila sa pangingisda, gayundin sa mabilis na pamamahagi ng fuel subsidies, lalo na’t inaasahang tataas ang presyo ng diesel.

Aniya, marami pa ring magsasaka at mangingisda ang hindi nakatatanggap ng nasabing ayuda. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here