Home OPINION GULO SA SENADO AT IMPEACHMENT

GULO SA SENADO AT IMPEACHMENT

253
0

MAGULO ngayon ang Senado at kung sino-sino lang ang mga sumasawsaw para makontrol o mahawakan ito sa ilong gaya ng isang kalabaw at mailakad o maigiya nila ang daan patungo sa kani-kanilang interes.

Dito lumilitaw ang mga interes na higit na pansarili at pagkaganid sa kapanyarihan sa halip na interes o kapakanan ng taumbayan ang pangunahing konsiderasyon.

SENATE PRESIDENT

Pangunahin sa mga pinagkakaguluhang posisyon ang Senate President.

Kanya-kanyang akit sa iba’t ibang paraan ang mga gustong mag-Senate President.

Kabilang sa mga may gusto ng posisyon sina nagbabalik-Senador Tito Sotto at Imee Marcos at kasalukuyang Senate President Chiz Escudero.

Pero umuugong din ang ngalan nina ex-Senate President Migz Zubiri, Sen. Alan Pete Cayetano at senator-elect Cong. Rodante Marcoleta.

Nagkahati-hati naman bilang mga bloke o grupo ang mga senador at may nagsasabing sila ang tunay na oposisyon habang pekeng oposisyon ang iba.

May mga bloke-bloke rin umano gaya ng ex-President Digong/Vice President Sara Duterte block, Alyansa block ni Pangulong Bongbong Marcos at Independent block.

Gapangan sila nang gapangan at maaaring may mailuklok nang Senate President makalipas ang Hunyo 13 na huling araw ng tinatawag na 19th Congress at pagsisimula kinabukasan ng 20th Congress ngunit magkaroon muna ng adjournment hanggang Hulyo 27, 2025.

Para sa mediamen, tungkulin lang nila ang mag-ulat kung sino ang magwawagi sa mga ito.

GAPANGAN DIN SA IBABA

Siyempre pa, may gapangan din sa mas mabababang posisyon gaya ng President Pro Tempore, Majority Floor Leader, Minority Floor Leader at chairmanship ng mga komite gaya ng Blue Ribbon, Ways and Means, Public Works, Local Government at iba pa.

May mga pribilehiyo at iba pang pakinabang sa mga posisyong chairman sa mga komite na wala sa ordinaryong mga miyembro ng komite.

At kabilang sa mga karaniwang pribilehiyo at pakinabang ang pagiging laging bisita sa Malakanyang para makipagmeryenda sa First Family…kung ang manok ng Malakanyang sa Senate Presidency ang magwawagi sa agawan sa kapangyarihan.

GULO SA IMPEACHMENT

Nang mapospon ang pagsisimula ng kalendaryo o iskedyul ng impeachment ngayong araw o Hunyo 2 sa Hunyo 11, nabaliw ang iba at nagkaroon ng mga tunggalian kung ano ang nararapat na gawin.

Sa araw na ito dapat iprisinta ang Article of Impeachment laban kay VP Sara at pag-apruba na rin ng mga patakaran sa Rules of Impeachment pero ipinagpaliban nga sa Hunyo 11.

Para sa mga kritiko, gaya ng mga atat na atat na taga-Kamara na maisulong ang kasong impeachment, ang paniniwala nila ay hakbang ito para hindi matuloy ang kaso.

May nagsasabi ring unahin sa lahat ng mga senador ang impeachment kaysa anomang gawain sa Senado.

Pero katwiran ni Escudero, dapat tapusin muna nila ang 12 prayoridad na panukalang batas ng Malakanyang na sinegundahan ni Sen. Win Gatchalian.

Iginiit naman ni Sen. Jinggoy Estrada na higit na trabaho ng Senado ang gumawa ng batas kaysa litisin ang kaso habang ikinatwiran ni Imee Marcos na unahin muna ang mga panukalang batas na para sa mga mamamayan at hindi ang impeachment na puro pulitika lamang.

Sey n’yo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here