Home METRO Gunrunners arestado sa Bukidnon, Maguindanao

Gunrunners arestado sa Bukidnon, Maguindanao

281
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang umano’y kasapi ng gunrunning sa magkahiwalay na operasyon sa Bukidnon at Maguindanao del Sur, iniulat kahapon.

Ayon sa CIDG , nadakip sa Malaybalay City, Bukidnon, ang tatlo noong Martes ng hapon na sina alyas “Jun,” 25; “Angel,” 26; at “Gerv,” 35.

Huli sa akto ang tatlong suspek habang nagde-deliver at nagbebenta ng tatlong hindi lisensyadong armas — isang caliber .30 rifle, isang caliber .45 pistol, at isang caliber 5.56 revolver.

Samantala, sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, nadakip din ang dalawang suspek na sina alyas “Ben” at “Rahim” noong Miyerkules ng umaga.

Nakuha sa kanila ang apat na piraso ng caliber 5.56 rifles na wala ring kaukulang permit at lisensya.

Sinabi pa ng CIDG, sangkot umano ang dalawa sa gunrunning activities na nagpapatuloy sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act ang limang suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here