MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Habagat sa Extreme Northern Luzon ngayong Biyernes, Hulyo 17.
Ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Batanes, at Babuyan Islands ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng kaparehong panahon dahil naman sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC