Manila, Philippines- Kasabay ng init ng panahon ay ang lamig ng kilabot na dulot ng mga balita ng sunod-sunod na pagpanaw ng mga kilalang personalidad.
Kahapon ng tanghali ay nag-blind item ang isang dating TV executive tungkol sa isang kamamatay lang na Philippine music icon na hula ng marami ay si Hajji Alejandro, dahil may viral video siya na nakaratay sa ospital dulot ng kanyang late stage colon cancer at tila hinang-hina na.
True enough, matapos ang pagpanaw nina Pilita Corrales at Nora Aunor ay kinumpirma na nga kinagabihan ng April 21 na namayapa na si Hajji sa edad na 70.
Nag-repost sa Facebook ang manager ng balladeer ng official statement mula sa family na nagsasabing, “It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro.”
Humingi ng privacy ang pamilya.
Matatandaan na ang current partner ng OPM legend na si Alynna Velasquez ay nagpa-interview last month sa YouTube channel ni Julius Babao.
Dito niya emosyunal na isiniwalat kung paano natapos ang show ni Hajji sa Vigan na nag-bloat ito kaya nagpa-check-up agad na may kasamang CT scan at doon na nga na-reveal na malala na ang lagay nito at kailangang sumailalim isa isang operasyon.
Si Basil Valdez ang nakadiskubre kay Hajji at eventually ay naging hitmaker din ang huli sa larangan ng musika dahil sa kanyang mga kantang “May Minamahal,” “Kay Ganda ng Ating Musika,” “Nakapagtataka,” at iba pa.
Naging kilala din sa larangan ng musika at pelikula ang kanyang nakababatang anak na si Rachel Alejandro.
Samantala, ang older sister naman nitong si Barni Alejandro na kilalang chef ay nag-post ng mini-tribute sa kanyang Facebook story singing “Ang Lahat ng Ito’y Para Sa’yo.” Trixie Dauz