Home NATIONWIDE VP Sara nakidalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis

VP Sara nakidalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President Sara Duterte nitong Martes ang pag-asang patuloy na isasabuhay ng Catholic community ang mga adhikaing naiwan ni Pope Francis kahit pumanaw na ito.

“We pray as we mourn the passing of His Holiness, Pope Francis, the shepherd who taught us to be compassionate, forgiving, and merciful in a world poisoned by social inequities, hate, greed, and wars,” anang Bise Presidente sa isang video message.

“May we find strength and continue to live with the aspirations left by His Holiness as a man with the mission to bring the Gospel to the faithful, especially the poor, the sick, and the dying,” dagdag niya.

Nanawagan din ng panalangin si Duterte para sa kapahingahan ng Holy Father.

Inanunsyo ng Vatican nitong Lunes ang pagkamatay ni Pope Francis.

Batay sa kanyang certificate, inilathala ng Vatican, namatay si Pope Francis sa stroke at irreversible heart failure, at na-coma bago ang kanyang pagpanaw.

Matatandaang nakaranas ang 88-anyos na papa ng double pneumonia, dahilan upang maospital siya sa loob ng ilang linggo.

Isinilang si Pope Francis sa Buenos Aires, Argentina. Iniluklok siyang kahalili ng pumanaw nang si Pope Benedict XVI noong 2013. RNT/SA