Home OPINION HAMON SA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR NG BATANGAS

HAMON SA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR NG BATANGAS

176
0

KUNG may mga probinsya sa bansa na iniidolo’t nais sundan ang ‘rags to riches’ nilang mga kuwento, marahil isa na rito ang lalawigang pinamumunuan ni Gov. Hermilando Mandanas.

Tulad ng Cebu province at iba pang mga lalawigan na umunlad ng todo dahil magaling ang mga naging pinuno, ganyan din ang Batangas bago napabilang sa ’10 richest provinces’ ng Pilipinas.

Ang mapasama sa sirkulo ng richest provinces ay karangalan para sa mga “ala-eh” at ‘di matatawarang achievement sa panig ng mga lider ng probinsya, partikukar kay Gov. Mandanas.

Ngunit ang siste,  ang tinatamong popularidad ng Batangas bunsod nang pagkakasama nito sa  10 richest provinces sa bansa ay nababahiran dahil sa naglipanang operasyon ng iligal na Gawain at negosyo  sa lalawigan.

Lately, dumalas ang palitan ng hepe ng pulisya ng Batangas at ang dahilan nang biglaang tanggalan ay ang ‘di  mahinto-hintong vices operations kaya walang nagtatagal na nakaupong police provincial director.

Sa ngayo’y si PCol Jacinto “Jack” Malinao, Jr., ang nakatalagang PD ng Batangas. Siya’y hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Region 4A bago pamunuan ang provincial command.

Binansagang ‘Sherlock Holmes’ dahil sa sipag at galing sa trabaho, si Malinao ang sinasabing sagot sa matagal nang pinoproblemang vices operations na nagkalat sa lalawigan.

Hindi magkakasya sa ating espasyo kung isa-isahin natin ang mga iligal sa Batangas pero hamon natin kay Malinao ay unahin  ang operasyon ng “paihi” sa kanyang hurisdiksyon.

Ang ilang kilalang may operasyon ng paihi ay sina Delzon Adik, a.k.a. Etring; a.ka Agojo; Roy V. na isang dismissed Calamba policeman at  alyas Efren sa Brgy Banaba, Bypass Road sa San Pascual town at Brgy Halang sa boundary ng Taal at Lemery.

May paihi rin ang isang aktibong police official na pinapatakbo ng isang alyas “Sgt. Buloy” sa  Brgy. Sta. Clara, ilang metro lang ang agwat mula sa gate ng Batangas City pier. Si alyas Sgt. Buloy ay sinasabing protector din ng colorum na van at illegal terminal sa Batangas port.

Ang ulat kasi, easy money ang malaking kita sa negosyong paihi na kilala rin sa tawag na “buriki”, “patulo” at “pasingaw” kaya kahit iligal ay may mga naglalakas-loob na namumuhunan dito.

Dahil matindi ang kompetisyon ay may mga nagbuwis na ng buhay kaya ang negosyong ito ay may pakakahawig daw sa ipinahintong Philippine Offshore Gaming Operators ni Pangulong Bongbong Marcos.

Paalala kay Malinao na kung ayaw niyang matulad sa mga sinundan niyang PD na sinibak dahil natutulog sa pansitan, dapat ay magpakitang gilas siya. Abangan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here