Home NATIONWIDE Handbook sa worker’s benefits ‘di ipinagbibili – DOLE

Handbook sa worker’s benefits ‘di ipinagbibili – DOLE

170
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa mga nagbebenta online ng printed copies ng Handbook on Workers’ Statutory Benefits nito.

Sa abiso na inilabas sa social media nitong Biyernes, Agosto 4, sinabi ng DOLE na ang naturang handbook ay hindi pwedeng i-reproduce para sa commercial purposes ng walang permiso.

“It has come to the Department’s attention that printed copies of the previous edition of the Handbook on Workers’ Statutory Benefits are being sold online,” sinabi ng ahensya.

“The Department would like to reiterate that the Handbook should not be reproduced for commercial purposes without the written permission of the DOLE,” dagdag pa.

Nagbabala rin ang DOLE sa mapag-aalamang sangkot sa pagbebenta ng handbook.

“All unauthorized sellers will be dealt with accordingly,” anang DOLE.

Nag-abiso rin ito sa publiko na ang present version ng handbook ay available ng libre, online.

“The 2023 version of the Handbook is now available and may be downloaded for free through this link: https://bit.ly/2023DOLEHandbook,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articlePamangkin patay sa tiyuhin na tulak
Next articlePH positivity rate bahagyang bumaba sa 3.5%

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here