Home ENTERTAINMENT Heart, dumalo sa meeting sa Senado, braless!

Heart, dumalo sa meeting sa Senado, braless!

Manila, Philippines- May malaking role na gagampanan si Heart Evangelista ngayong Senate President na si Chiz Escudero.

Si Heart na ngayon ang namumuno sa Senate Spouses Foundation, Inc, kaya hindi naiwasan na nag-panic siya dahil hindi raw niya alam ang gagawin sa biglaang puwesto na ibinigay sa kanya.

Automatic kasi na ang wife ng Senate President ang magiging pangulo ng foundation at may mga charity project silang isinasagawa.

Payo ni Sen. Chiz kay Heart na wag magpa-pressure at gawin kung ano ang kaya niya.

Dahil sa pagiging Senate President wife ni Heart ay mababawasan na ang pagrampa-rampa ng actress sa mga fashion events na nagaganap sa Paris, New York at France dahil siguradong mahahati na ang kanyang panahon at atensyon.

HIndi naman mahihirapan si Heart na makisalamuha sa mga senator’s wife dahil karamihan ay artista rin tulad niya gaya nina Mariel Rodriquez, wife ni Senator Robin Padilla, Lani Mercado na wife ni Senator Bong Revilla, at Precy Vitug wife ni Senator Jinggoy Estrada.

Buong-buo naman ang tiwala ni Senate President Chiz kay Heart dahil alam nito na napaka-hardworking at dedicated ng kanyang wife kapag may project na gustong gawin at plus factor na ang pagiging fashion icon.

HIndi kataka-taka na maging fashionista na rin ang mga wife ng ibang senator dahil sa impluwensiya ng isang tulad ni Heart.

Samantala, shinare ni Heart sa kanyang Instagram account ang video kung saan ipinakita ang kanyang first meeting as Senate First Lady at kanyang “wife duties” bilang wife ng Senate President.

Ibinahagi rin niya ang office ni SP Chiz kung saan inaasikaso niya kung ano ang kailangan ng kanyang husband.

Ang Senate First Lady ay madaling mahalin at sigurado na makukuha niya ang loob ng mga tao.

Kaya lang, may comment ang netizen na mababasa sa Facebook ni Heart kung saan naka-tag ang article.

Mula kay Marilyn Samonte, “Walang bra ang lola mo, dako (malaki) rin pala.” Gerry Ocampo