Home ENTERTAINMENT Heart, mamumuno ng Senate Spouses Foundation, nag-panic!

Heart, mamumuno ng Senate Spouses Foundation, nag-panic!

Manila, Philippines- Dahil si Chiz Escudero ang itinalagang bagong Senate President, awtomatikong First Lady na ng Senate si Heart Evangelista.

Siya rin ang inaasahang magiging president ng Senate Spouses Foundation, Inc. na samahan ng mga maybahay ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan.

Ang nasabing samahan ay hindi basta sosyalan kundi committed din sa iba’t-ibang charity works at community outreach programs.

Ayon naman kay Chiz, noong naibalita raw niya kay Heart ang magiging role nito sa Senado, nag-panic daw ang aktres.

Sey pa ni Heart, mangangapa raw siya lalo pa’t hindi raw naman sa pulitika umiinog ang kanyang mundo.

Gayunpaman, bilang esposa ng presidente ng Senado, no choice naman si Heart kundi yakapin ang mundo ng kanyang hubby.

Payo raw niya sa misis na huwag magpa-pressure at gawin na lang kung ano ang makakaya nito.

Naging conversation piece naman sa kibitzers ang magiging role ni Heart sa Senado.

Hirit ng mga kate-katera, kakabugin o sasapawan daw nito ang mga wifey ng mga senador na may konek sa showbiz tulad na lamang nina Mariel Rodriguez at Lani Mercado.

Si Mariel ang misis ni Robin Padilla samantalang si Lani Mercado naman ang kabiyak ng Titanic action star na si Bong Revilla.

Pakiramdam pa ng mga nag-oopinyon, sigurado raw magpapauso ng fashion si Heart sa kanyang mga kasamahan sa nasabing foundation.

Dagdag pa ng mga sawsawera, kakabugin daw ng aktres sa kanyang mga pa-outfit ang mga kasamahan.

Dahil nalalapit na rin daw ang SONA, siguradong pakakainin ni Heart ng alikabok ang mga kaaltahan sa Senado.

Si Heart ang humalili sa puwesto ni Audrey Tan-Zubiri, ang asawa ng predecessor ni Chiz na si Senator Migz Zubiri. Archie Liao