Home ENTERTAINMENT Heart, nangakong magtitipid na!

Heart, nangakong magtitipid na!

Manila, Philippines- Sarado 40 years old na si Heart Evangelista sa February 14.

That explains why the global fashion icon was christened Love Marie.

Dahil nga she came into this world on Love Day o Araw ng mga Puso.

Kung uso ang magkaroon ng New Year’s resolutions, iba naman kay Heart.

As she turns kasi one year older and wiser ay pangako niyang magtitipid siya.

But Heart is quick to qualify it.

Aniya: “Hindi naman sa hindi na ako gagastos but l’ve realized na lahat naman ng binibili ko for myself, pinagtrabahuhan ko.”

Masuwerte nga raw siya sa kanyang katayuan: “Hindi naman ako breadwinner sa family but still I need to make tipid this time.”

With another year added to her life ay napagtanto raw ni Heart na nakakapagod na ring magtrabaho.

Kaka-attend nga raw ng fashion week kung kaya’t hinimatay siya due to physical exhaustion.

Heart realizes it’s not worth it lalo pa’t dapat niyang bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang kalusugan.

Incidentally, ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero ang nagrerenda kay Heart when she splurges her money on shopping.

Mapangatawanan kaya ni Heart ang pagtitipid?

Baka lagnatin siya niyan! Ronnie Carrasco III