Home NATIONWIDE Heat index sa 16 lugar posibleng pumalo sa ‘danger’ level ngayong Sabado,...

Heat index sa 16 lugar posibleng pumalo sa ‘danger’ level ngayong Sabado, Mayo 25

MANILA, Philippines- Inaasahang sasampa ang heat index sa danger level sa 16 lugar sa bansa ngayong Sabado, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Biyernes.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

47°C

  • Laoag City, llocos Norte

  • Bacnotan, La Union

  • Aparri, Cagayan

45°C

  • Dagupan City, Pangasinan

  • MMSU, Batac, Ilocos Norte

44°C

  • Sinait, llocos Sur

  • Tuguegarao City, Cagayan

43°C

  • Calayan, Cagayan

  • Puerto Princesa City, Palawan

  • Aborlan, Palawan

  • Cuyo, Palawan

  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur

42°C

  • NAIA, Pasay City

  • Iba, Zambales

  • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City

  • Sangley Point, Cavite

Nitong Biyernes, 23 lugar ang nakaranas ng heat index na nasa ilalim ng danger level, mula 42°C hanggang 51°C. RNT/SA