MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na umabot ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan sa 46°C nitong Linggo, Abril 14.
Ayon sa PAGASA, nakaranas ang 14 pang lugar ng “dangerous” heat indices kabilang ang Aparri, Cagayan, at Puerto Princesa City, Palawan sa 44°C na sinundan ng heat index na 43°C sa Central Bicol University State University of Agriculture (CBSUA) station sa Pili, Camarines Sur.
Naitala rin nito ang heat index na 42°C sa Laoag City, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Ichague, Isabela; Central Luzon State University (CLSU) Muñoz, Nueva Ecija; Ambulong, Tanauan, Batangas; Aborlan, Palawan; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; Tacloban, Leyte; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; Cotabato City, Maguindanao.
Base sa PAGASA, itinuturing ang heat indices mula 42°C hanggang 51°C na “dangerous,” kaya kailangang uminom ng maraming tubig.
Nagbabala rin ito sa publiko na posibleng makaranas ng heat stroke kapag matagal na na-expose sa init. RNT/SA