MANILA, Philippines – Umabot sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City nitong Biyernes, Marso 28.
Ito na ang pinakamataas na heat index na naitala sa lungsod ngayong tag-init.
Samantala, inaasahan naman ang 40 degrees Celsius o mas mataas pa na heat index sa 20 lugar sa bansa ngayong Sabado, Marso 29.
Ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan batay sa air temperature at relative humidity.
Inaasahan ang mapanganib na lebel ng heat index ngayong araw sa Dagupan City, Butuan City, Cotabato City, Gen. Santos City, Pili, Camarines Sur, at Virac, Catanduanes. RNT/JGC