Home NATIONWIDE Higit 100 tsuper, nganga pa rin sa cash aid

Higit 100 tsuper, nganga pa rin sa cash aid

115
0

MANILA, Philippines – Muling nadismaya at umalma ang ilang jeepney driver sa Maynila matapos hindi na naman mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng special payout ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa mga tsuper, ikalawang pagkakataon na itong hindi lumabas ang kanilang mga pangalan kahit nauna na silang nagsumite ng mga hinihinging dokumento sa LTFRB at DSWD sa tulong ng mga presidente ng kanilang mga asosasyon.

Nagulat umano ang mga driver nang magtungo sila sa payout na ginanap sa covered court ng Barangay 377 at muling malamang wala sila sa talaan ng mga mabibigyan ng ayuda. Tinatayang mahigit 100 tsuper ang apektado.

Dahil dito, sa pangatlong pagkakataon ay muling nagpalista ang mga driver sa help desk ng DSWD at pinaghintay na lamang ng panibagong abiso kung maisasama sila sa listahan at kung saan at kailan ang susunod na payout.

Nabatid na 670 jeepney driver na nasa naunang listahan ngunit hindi nakakuha ng ayuda sa unang bugso ng pamamahagi ang tatanggap ng P5,000 cash assistance. Samantala, mahigit 1,800 tsuper naman ang kabilang sa panibagong listahan para sa payout. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here