Home NATIONWIDE Higit 22K pulis ipakakalat sa SONA ni PBBM

Higit 22K pulis ipakakalat sa SONA ni PBBM

MANILA, Philippines – Mahigit 22,000 pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang mga lugar malapit sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, kung saan ihahatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (Sona) sa Hulyo 22.

Sa pahayag na inilabas nitong Lunes, Hulyo 1, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa 22,621 pulis ang kanilang ipakakalat at bubuo rin ng sub-task groups.

“Apart from the Security Task Force Sona 2024, we will form sub-task groups led by our five district directors in Metro Manila,” pahayag ni NCRPO chief Major Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“We will distribute security and medical assistance alongside public and private agencies,” dagdag pa niya.

Sa nasabing bilang, 17,971 sa mga ito ang mula sa NCRPO, 1,879 mula sa ibang unit ng PNP kabilang ang police regional Offices ng Central Luzon at Calabarzon.

Samantala, 2,771 sa mga tauhan ang mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan at force multipliers. RNT/JGC