Home NATIONWIDE Higit 300M bata nakararanas ng online sexual abuse – pag-aaral

Higit 300M bata nakararanas ng online sexual abuse – pag-aaral

LONDON, United Kingdom- Mahigit 300 milyong bata kada taon ang nabibiktima ng online sexual exploitation at abuse, ayon sa unang global estimate sa lawak ng problema na inilathala nitong Lunes.

Napag-alaman ng mga mananaliksik sa University of Edinburgh na isa sa walong bata sa mundo ang nabiktima ng “non-consensual taking, sharing and exposure” sa sexual images at video sa nakalipas na 12 buwan.

Katumbas ito ng halos 302 milyong kabataan, ayon sa Childlight Global Child Safety Institute ng unibersidad, na nagsagawa ng pag-aaral.

Saklaw ng offences an extortion, kung saan humihingi ng pera ang predators mula sa mga biktima upang hindi ilabas ang mga imahe at pag-abuso ng AI technology upang lumikha ng deepfake videos at mga larawan.

“Child abuse material is so prevalent that files are on average reported to watchdog and policing organisations once every second,” pahayag ni Childlight chief executive Paul Stanfield.

“This is a global health pandemic that has remained hidden for far too long. It occurs in every country, it’s growing exponentially, and it requires a global response,” dagdag niya.

Sumisirit ang mga kaso– partikular sa mga teenager na lalaki– sa buong mundo, ayon sa non-governmental organisations at kapulisan. RNT/SA