Home METRO Higit P138M pekeng yosi nasamsam sa Cebu

Higit P138M pekeng yosi nasamsam sa Cebu

176
0

CEBU, Philippines – Mahigit P138 milyong halaga ng umano’y smuggled at counterfeit cigarettes ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa mga bodega sa Cebu City noong Huwebes, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag noong Biyernes, sinabi ng PNP na nakumpiska ng pulisya at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kabuuang 135,936 pakete ng iba’t ibang tobacco products.

“This accomplishment reflects our commitment to the PNP Focused Agenda, strengthened by Enhanced Managing Police Operations. Ang mabilis at maayos na pagtutulungan ng ating mga yunit sa Cebu ay patunay na kaya natin labanan ang smuggling at iba pang ilegal na gawain,” ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Ayon sa PNP, maayos nang naimbentaryo ang mga nakumpiskang sigarilyo at nasa kustodiya na ng BIR para sa tamang disposisyon.

“This is not just about enforcement. It’s about safeguarding public health, ensuring fair trade, and showing that illegal activities will not go unchecked — bawat aksyon ay may direksyon at resulta,” saad ni Nartatez.

Samantala, sinalakay rin noong Huwebes ang isa pang ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Tanza, Cavite, kung saan umabot sa humigit-kumulang P200 milyon ang halaga ng nakumpiskang kontrabando. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here