Home NATIONWIDE Robredo: Pulong kay PBBM, walang pulitika

Robredo: Pulong kay PBBM, walang pulitika

169
0

CAMARINES SUR, Philippines – Tiniyak ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi magbabanggit ng pulitika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang nakatakdang pagpupulong sa Sabado.

Ayon kay Robredo, nakatuon siya sa mga suliranin ng Naga City sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa posibleng alyansa matapos ihayag ni Vice President Sara Duterte ang planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.

“Ako, sigurado akong hindi siya magbi-bring up ng politics kasi alam ko na trabaho ‘yung sadya niya dito,” saad ni Robredo.

Magkikita sina Marcos at Robredo para talakayin ang implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, ang pagbisita ni Marcos sa Naga City sa Sabado, Pebrero 21, ay kaugnay ng flood mitigation measures ng pamahalaan.

“Hindi ’to pulitika, at saka ang layo pa ng election. Hindi pa nga ako nagwa-one year sa puwesto ko, di pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika na agad… Magtrabaho muna tayo,” ayon kay Robredo.

“Sobrang focused ako sa mga problema ng Naga. ‘Yung farthest from my mind ‘yung mga pag-uusap sa Maynila. Ang primary obligation ko ay yung trabahong pinag-applyan ko. Malayo pa yung eleksyon,” dagdag niya.

Lumaganap ang usap-usapan tungkol sa posibleng Marcos-Robredo alliance matapos ang anunsyo ng kanilang pagpupulong.

Nanawagan naman ang Malacañang na tigilan ang pamumulitika.

“Huwag munang gumawa ng imahinasyon. Mag-focus sa kanyang-kanyang trabaho para hindi maligaw sa tamang mithiin… Tumigil muna ang lahat sa pamumulitika,” ani Palace Press Officer Undersecretary Attorney Claire Castro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here