Bulacan- Nasa P1,434,374.72 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam habang 156 indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.
Sa report na nakarating kay Region 3 Police director PBGEN Jean Fajardo, ikinasa ang 108 operasyon ng mga pulis nitong Mayo 12 hanggang Mayo 18.
Ayon sa report, tinatayang 288.41 gramo ng shabu at 16.33 gramo ng marijuana ang kabuuang nasamsam ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek habang nakakulong sa yunit o istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III