Home NATIONWIDE Higit P43B ilegal na droga nasabat sa ilalim ng Marcos admin

Higit P43B ilegal na droga nasabat sa ilalim ng Marcos admin

236
0
Larawan mula sa BOC

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na nakumpiska nito ang P43.3 bilyong halaga ng ilegal na droga sa unang tatlong taon ng Marcos administration— mas mataas ng tatlong beses kumpara sa record ng Duterte administration sa parehong period.  

“So talagang napakalaki ng diperensya dahil talagang nag-focus tayo doon sa mga high impact operation. Hindi lang ang Philippine National Police, kasama na diyan ang PDEA at NBI, dahil ang gusto natin talagang tumbukin— sino ba? saan ba dumadaan ‘yang mga malalaking shipment ng drugs?,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang panayam.

Bukod sa big time syndicates, nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais niyang hulihin ng law enforcers ang small-scale drug dealers habang mahigpit na pinaiiral ang due process sa anti-drug operations. 

“Ngayon, pagtutuunan natin ng parehong focus itong mga tinatawag nating mga street-level pushers and users kasi sila ‘yung nasa mga komunidad natin, sila ‘yung nandoon sa mga bara-barangay na maaaring direct sources nitong mga user natin,” ani Fajardo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here