MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.
Maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng ₱0.95 hanggang ₱1.40 kada litro; ang diesel ng ₱1.50 hanggang ₱2.00; at kerosene ng ₱1.30 hanggang ₱1.40.
Ang pagtaas ay dulot ng kasunduan ng US at China sa pagbawas ng taripa, parusa ng US sa mga kumpanyang sangkot sa kalakalan ng langis ng Iran, at inaasahang mabagal na supply ng langis ayon sa OPEC.
Ilalabas ang opisyal na price adjustment sa Lunes at ipatutupad sa Martes. RNT