Home HOME BANNER STORY Opisyal na resulta ng Halalan 2025, alamin; Sen. Bong Go nanguna

Opisyal na resulta ng Halalan 2025, alamin; Sen. Bong Go nanguna

MANILA, Philippines – Tinapos ng Commission on Elections (Comelec), bilang National Board of Canvassers (NBOC), ang bilangan ng boto para sa pagka-senador nitong Huwebes.

Nanguna si Senador Bong Go na may 27,121,073 boto.

Pangalawa si dating Senador Bam Aquino na may 20,971,899 boto, at pangatlo si reelectionist Senator Ronald dela Rosa na may 20,773,946 boto.

Kasama sa “Magic 12” ang mga sumusunod: Erwin Tulfo (17,118,881), Kiko Pangilinan (15,343,229), Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta (15,250,723), Ping Lacson (15,106,111), Tito Sotto III (14,832,996), Pia Cayetano (14,573,430), Camille Villar (13,651,274), Lito Lapid (13,394,102), at Imee Marcos (13,339,227).

Natapos ang canvassing ng 175 certificates of canvass sa loob ng tatlong araw, na siyang pinakamabilis sa kasaysayan ng eleksyon.

Ang mga resulta ay sasailalim pa sa audit. RNT