Home OPINION HINDI PA RIN MASAYA MGA OFW?

HINDI PA RIN MASAYA MGA OFW?

155
0

TILA walang kapaguran ang pagsusumikap ng ating mga overseas Filipino worker na mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya. Ngunit sa kabila ng kanilang sakripisyo, tila may ilan sa kanila ang hindi pa ganap na nasisiyahan sa serbisyong natatanggap mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.

May mga pagkakataon na kulang pa rin ang tugon sa kanilang mga hinaing na mga OFW na malayo sa pamilya kaya’t napakahalaga pa rin ang mabilis at maaasahang tulong mula sa pamahalaan.

May mga mungkahi na kung maaari, mas palawakin pa ang serbisyo ng pamahalaan, tulad nang pagtatayo ng mas maraming tanggapan sa mga lalawigan sa halip na itayo ang mga ito sa rehiyon.

Para sa mga pamilyang nasa probinsya, hindi biro ang gastusin at oras na gugugulin para lamang makapag-asikaso ng mga dokumento o makahingi ng tulong. May mga pagkakataong kailangan pang bumiyahe ng ilang oras o tumawid ng ibang lalawigan upang makarating sa pinakamalapit na tanggapan.

Mahirap sa isang OFW na bumiyahe ng napakalayo lalo na kung meron siyang maselan na karamdaman. (Hindi dapat mag-apply na OFW kasi tiyak na babagsak sa medical-Ed)

Sa huli, ang tunay na layunin ng mga ahensyang tulad ng DMW at OWWA ay tiyaking napangangalagaan ang kapakanan ng bawat OFW—mula sa kanilang pag-alis ng bansa hanggang sa kanilang ligtas na pagbabalik sa sariling bayan.

Para sa mga pamilyang nasa malalayong probinsya, hindi biro ang paglalakbay. Gastos sa pamasahe, may oras na nasasayang, at kung minsan ay kailangan pang maghintay ng mahabang pila bago maasikaso. May mga pagkakataon na ang taong may kailangan ay lumalapit hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala na siyang ibang matakbuhan.

Ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat kung gaano karami ang mga dokumentong napirmahan o sa haba ng prosesong dinaanan. Nasusukat ito sa kung gaano kabilis at gaano katapat ang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa.

Ang lahat ng ito ay dahil sa problema: hindi naghahanap ng dahilan kung bakit hindi ito magagawa. Ang hanap nila ay taong handang tumulong—at handang kumilos bago tuluyang mawalan ng pag-asa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here