Home NATIONWIDE HIV cases sa Pinas bahagyang bumaba

HIV cases sa Pinas bahagyang bumaba

MANILA, Philippines – Bahagyang bumaba ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa sa huling kuwarter ng 2024, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa dating 50 kaso kada araw noong Hulyo hanggang Setyembre na nahahawaan, bumaba na lamang ito sa 3 kada araw noong Oktubre hanggang Disyembre, ani Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo.

Sa mga bagong nahahawaan ng HIV, nasa edad 25 hanggang 34 ang mga ito at pawang mga lalaki.

Nangungunang sanhi pa rin ng pagkalat ng virus ang pakikipatalik sa kawpa lalaki.

Sa ngayon, mayroon ng 215,000 na kaso ng HIV sa Pilipinas kung saan 134,036 lamang ang na-diagnose o nagpa tingin sa doktor at 95% sa mga ito ang tumatanggap ng antiretroviral therapy. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)