Home METRO Holy Week traffic advisory inilabas ng Pasig City

Holy Week traffic advisory inilabas ng Pasig City

MANILA, Philippines — Nagbigay-abiso nang maaga ang Pasig City government sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Pasig City ngayong Semana Santa dahil sa religious rites ng Immaculate Conception Cathedral.

“Sa Marso 22, 25, 27, 29, at 31, ang Immaculate Conception Cathedral ay mangunguna sa pagsasagawa ng mga aktibidad ng Holy Week 2024 na makakaapekto sa daloy ng trapiko sa mga kalsadang binanggit sa materyal,” sabi ng pamahalaang lungsod.

Nasa ibaba ang mga petsa at oras ng mga aktibidad:

Marso 22, 2024 (Biyernes) 7:00 PM pataas

Marso 25, 2024 (Lunes) – Holy Monday Procession – 7:00 PM pataas

Marso 27, 2024 (Miyerkules) | Prusisyon ng Miyerkules Santo 6:00 PM pataas

Marso 29, 2024 (Biyernes) Biyernes Santo – 5:00 AM pataas
Prusisyon ng Paglilibing – 5:00 PM onwards

Soledad Procession – 8:00 PM onwards

Marso 31, 2024 (Linggo) Linggo ng Pagkabuhay – 3:00 AM pataas

Samantala, narito ang listahan ng mga kalsadang maaaring maapektuhan:

R. Jabson St. (Bambang, Malinao)

Caruncho Ave.(Sa harap ng Pasig City Hall)

M.H. Del Pilar St. (San Nicolas, Sta. Cruz, Sto. Tomas)

E. Angeles St. (Sagad)

Pilapil St. (Sagad) Dr.

Sixto Antonio Ave. (Kapasigan) Dr.

A. Mabini St.

Plaza Rizal Intersection

P. Burgos St.

Lopez Jaena St.

Garcia St.

Pinapayuhan din ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta. RNT