Home NATIONWIDE Hontiveros ‘di pa kinokonsiderang kumandidatong Pangulo sa 2028

Hontiveros ‘di pa kinokonsiderang kumandidatong Pangulo sa 2028

MANILA, Philippines- Hindi pa parte ng kanyang plano ang pagtakbo bilang presidente sa 2028, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Subalit, sigurado umano siyang magkakasa ang oposisyon ng senatorial bets nito sa 2025 midterm elections at posibleng full slate sa 2028.

Inihayag ito ni Hontiveros nitong Martes nang tanungin siya sa isang panayam kung kinokonsidera niyang kumandidato sa pagka-Pangulo sa 2028.

“I am not considering running yet, but what I’m 100 percent considering is that the opposition will run candidates for president, vice president, and across the line,” anang senador.

“Yun yung tinatarabaho ko the last two years, and we will continue to work on it until  next year sa midterms and the next four years until 2028,” dagdag ni Hontiveros.

Sa 2027, inihayag ni Hontiveros ang pag-asa niyang malagay sa “position of strength” upang maghanay ng kanilang mga kandidato, sa ilalim man ng opposition coalition, o independent group, o sa ibang pangalan.

“But we will be something different and something better, para sa ating mga kababayan. Yun yung maa-assure ko sayo 100 percent,” giit pa niya.

Sa ngayon, sinabi ng senador na iaanunsyo niya ngayong taon ang kanilang senatorial bets para sa halalan sa susunod na taon.

Magkakaroon din umano ng “important announcement” para sa 2028 presidential polls sa 2027, base sa senador. RNT/SA