Home NATIONWIDE HPG-Isabela naglatag ng motorist assistance hub

HPG-Isabela naglatag ng motorist assistance hub

CAUAYAN CITY, Isabela – Nakalatag na ang motorist assistance hub ang Isabela Highway Patrol Group sa mga bus terminal at pangunahin lansangan sa lalawigan ng Isabela ngayon darating na long weekend.

Ayon kay PMaj. Rey Sales, Team Leader ng HPG- Isabela, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at matulungan ang mga motorista sakaling magkaroon ng problema.

Inaasahan marami ang uuwi sa long weekend at dadagsain ang mga bus terminals kaya minabuti na nilang magtatag ng Motorist hub sa mga terminal at sa mga pangunahing lansangan.

Siniguro din na makakatulong at katuwang nila ang bawat Municipal Police Station at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng motorist assistance at paninita sa mga motorista o mga sasakyan na makikitaang may paglabag.

Bukod dito, bibisitahin din ng kanilang hanay ang mga resort at ilog kung saan magpupuntahan ang publiko para maligo

Samantala, nagpaalala pa si PMaj. Sales sa mga motorista, siguruhin ang lock ng mga sasakyan lalo na kung pupunta sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao matapos pumarada. REY VELASCO