Home NATIONWIDE Huling yugto ng cleanup ops para sa OrMin oil spill aabutin ng...

Huling yugto ng cleanup ops para sa OrMin oil spill aabutin ng 20-30 araw – NTF

MANILA, Philippines- Iniahyag ng National Tasl Force (NTF) Oil Spill nitong Huwebes na handa na ito sa final cleanup operations sa Oriental Mindoro na aabutin ng 20 hanggang 30 araw.

Inihayag ng NTF na inaasahan nito ang trasnsisyon mula rehabilitasyon patungo sa “normalcy” matapos ang nasabing period.

“The last stage of the cleanup operations would take around 20 to 30 days if the weather permits, after which the rehabilitation and final transition to normalcy would begin in the next few days,” anito.

Base sa NTF, sinimulan na ng Dynamic Support Vessel “Fire Opal” ang siphoning operations para linisin ang natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Sa 79.33 kilometers ng apektadong coastlines, 66.433 km o 83.74% na ang “acceptably cleaned,” habang 12.89 km o 16.26% ang kailangan pang sumailalim sa cleanup operations.

Inihayag naman ng Department of Social Welfare and Development na mahigit P611 milyong tulong na ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal.

Mahigit P476 milyong tulong naman ang ibinigay ng iba’t ibang ahensya, base sa NTF.

Hanggang nitong Huwebes, sinabi ng NTF na nag-iwan ang oil spill ng kabuuang P58,137,124 pinsala sa fisheries. Naapektuhan din ng oil spill ang mahigit 27, 500 mangingisda.

Lampas naman sa 42,400 pamilya mula sa 107 lugar sa Oriental Mindoro, Palawan, Antique at Batangas ang apektado ng oil spill, ayon sa NTF.

Nagdeklara rin ang 15 local government units ng state of calamity sa kani-kanilang lugar. RNT/SA