Home NATIONWIDE US, 8 pa nababahala sa pagpatay sa Mindoro broadcaster

US, 8 pa nababahala sa pagpatay sa Mindoro broadcaster

MANILA, Philippines- Ilang miyembro ng diplomatic community sa Pilipinas ang nabahala sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin, na pinagbabaril ng dalawang motorcycle-riding suspects sa Calapan, Oriental Mindoro nitong Miyerkules ng umaga.

Binigyang-diin ng United States Embassy sa Manila nitong Huwebes ang proteksyon ng media freedom bilang “integral element” ng demokrasya.

Subalit, pinuri nito ang mabilis na aksyon ng mga lokal na awtoridad sa pag-imbestigas sa kaso at sumang-ayon sa pahayag ng Canadian at Netherlands Embassies, na co-chairs ng Media Freedom Coalition sa Pilipinas.

“Attacks on media workers must be urgently investigated, and those responsible must be held accountable,” saad sa joint statement ng Canada at the Netherlands .

“As co-chairs of the Media Freedom Coalition, we welcome swift action of law enforcement agencies to investigate Mr. Bunduquin’s death and urge Philippine authorities to take concrete steps to ensure that the perpetrators are brought to justice,” dagdag nito.

Nakiisa rin sa dalawang bansa sa pagkondena sa pagpatay ang Embassies ng Czech Republic, the United Kingdom, France, Japan, Germany at ng European Delegation sa Manila.

Binaril si Bunduquin, host ng Ayos Mandin show sa dwXR 101.7 Kalahi FM, sa harap ng tindahan sa C5 Road sa Barangay Sta. Isabel sa Calapan City. Isinugod siya sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Isa sa mga suspek sa pamamaril ang napatay din ng mga rumerespondeng awtoridad nitong Miyerkules.

Inanunsyo ng Presidential Task Force on Media Security ang P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pag-aresto sa tumakas na gunman. RNT/SA

Previous articlePAGASA: ‘Betty’ nakalabas na ng PAR
Next articleHuling yugto ng cleanup ops para sa OrMin oil spill aabutin ng 20-30 araw – NTF