Home NATIONWIDE PAGASA: ‘Betty’ nakalabas na ng PAR

PAGASA: ‘Betty’ nakalabas na ng PAR

MANILA, Philippines- Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm Betty, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Huwebes.

Hanggang nitong alas-4 ng hapon, ang sentro ng tropical cyclone ay 685 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Patungo itong north-northeastward sa bilis na 15 kilometers per hour (km/h) at may maximum sustained winds na 95 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 115 km/h, at central pressure na 985 hPa.

Inaasahan ang patuloy na pag-ulan sa bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon sa paglayo ni Betty sa bansa.

Nagbabala naman ang weather bureau warned na “under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days”.

Lumabas si Betty ng bansa matapos maapektuhan ang libo-libong pamilya.

May kabuuang 14,908 indibidwal o 3,821 pamilya ang apektado kay Bagyong Betty, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.

Sa ulat ng NDRRMC, mula ang mga apektadong residente sa 94 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

May kabuuang 5,981 inidbidwal o 1,815 pamilya naman ang agad na nailikas. RNT/SA

Previous articleKampo ni Teves, aapela sa korte vs House suspension
Next articleUS, 8 pa nababahala sa pagpatay sa Mindoro broadcaster