Home NATIONWIDE Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

MANILA, Philippines – MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.

”Well, I’m very happy to welcome you once again to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naging courtesy call ni Szijjarto sa kanya.

”I hope that with all that is happening around the world and all of the opportunities, of course there are challenges, and all the opportunities also that is — that we’ll be able to hopefully forge new relationships,” dagdag na wika ng Pangulo.

Binanggit naman ng Punong Ehekutibo na maraming mga Filipino ang mas pinili na manirahan at magtrabaho sa Hungary.

“And so, it seems that they have found a new place for them to find some better opportunities for themselves. But welcome once again to the Philippines,” anang Pangulo.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Szijarto si Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya.

”Thank you so much for the invitation. You have great secretaries with whom I’ll be working together for a long time. This is the third occasion that I have the honor to visit your fantastic country,”ayon kay Szijarto.

Ani Szijarto, nananatiling may malaking pagkakataon para sa improvement sa ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. Kris Jose