Home OPINION HUWAG GIBAIN ANG KORTE SUPREMA

HUWAG GIBAIN ANG KORTE SUPREMA

243
0

HINDI perpekto ang Korte Suprema, pero ito ang pinakaimportanteng institusyon kapag ang karaniwang Pilipino ay wala nang ibang matakbuhan.

Sa gitna ng ingay sa pulitika, ito ang tahimik na tagapagtanggol ng ating Konstitusyon. Kaya nakabibigla na ang mga dating haligi pa mismo ng hudikatura ang naninira sa Kataas-taasang Hukuman.

Sina dating Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Adolfo Azcuna, na minsang iginalang ng taumbayan bilang simbolo ng batas at katarungan, ngayon ay lantaran ang pagbatikos sa Korte Suprema.

Hindi lang kinukwestiyon ng dalawa ang ligal na basehan nang pagbasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, tinitira rin nila ang mismong kredibilidad ng institusyon.

Walang masama sa pagkakaiba-iba ng opinyon ngunit alam naman natin kung tumututol lang o nangwawasak na. At kapag mismong mga dating miyembro ng SC ang nangunguna sa pagbira sa institusyong pinagsilbihan nila, ibang usapan na ito. Sa mga panahong ganito, dapat sana ay sila rin ang nauunang magpakita ng respeto sa batas.

Sa kabutihang-palad, hindi lahat ay sang-ayon sa mga pasaring ng dalawang dating mahistrado. Ang Integrated Bar of the Philippines ay naninindigan para sa Korte Suprema.

Anila, ang desisyon nito ay hindi pakikialam kundi pagsunod lang sa Konstitusyon. Babala pa ng IBP, ang paghimok sa publiko na huwag kilalanin ang desisyon ng SC ay naglalagay sa alanganin sa buong pag-iral ng batas sa bansa.

Ang Korte Suprema ay walang “power of the purse” gaya ng Kongreso. Wala rin itong baril tulad ng pulis at militar. Pero may mas matinding sandata ito, ang tiwala ng taumbayan. Kapag sinira ang tiwalang ito, parang binunot na rin ang ugat ng hustisya sa bansa. Ang ordinaryong mamamayan ang unang mawawalan ng kakampi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here