ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang 34-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridda sa Brgy. Jordan, Sinait ng lalawigang ito kahapon, Nobyembre 10.
Sa inilabas na press release ni Police Lt.Col, Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO ng PRO1, ang naarestong suspek ay isang high-value individual (HVI), residente ng Badoc, Ilocos Norte.
Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.
Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska rin na non-drug evidence ang mga otoridad.
Ang naturang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng Sinairt MPS (lead unit), PDEA Ilocos Sur, PDEA Ilocos Norte, PNPDEG Ilocos Sur, RID PRO1 at 1st ISPMFC. Rolando S. Gamoso