Home NATIONWIDE HVI timbog sa P600K shabu sa Lucena

HVI timbog sa P600K shabu sa Lucena

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang hinihinalang big-time na tulak sa mahigit P598,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lucena City nitong Martes ng gabi, Agosto 4.

Sa report nitong Miyerkules, sinabi ni Col. Romulo Albacea, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, na nasakote ng provincial drugs enforcement unit nito si “Edron,” 35-anyos, matapos pagbentahan ng P1,000 shabu ang undercover police sa Barangay Cotta.

Nakuha sa naarestong suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets at dalawang heat-sealed transparent plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 88 gramo at nagkakahalaga ng P598,000.

Inimpound din ng pulisya ang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit nito sa pagtutulak.

Si Edron na residente ng Sariaya ay tinukoy bilang high-value individual (HVI) sa police drug watch list.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here