Home NATIONWIDE #WalangPasok sa opisina ng gobyerno, klase sa lahat ng antas sa NCR,...

#WalangPasok sa opisina ng gobyerno, klase sa lahat ng antas sa NCR, 6 na lalawigan

1
0

MANILA, Philippines -SINUSPINDE ng Malakanyang ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region at mga lalawigan ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan at Zambales, ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 5, 2026, simula pa kaninang alas-3:00 ng hapon.

Ito ang nakasaad sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 121, sa rekumendasyon na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng patuloy pagbuhos ng malakas na ulan na sanhi ng Tropical Storm Maymay at malakas na Southwest Monsoon.

Inatasan naman ang mga ahensiya na may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparedness/response to disasters and calamities, at/ o pagganap sa iba pang mahalagang serbisyo na ipagpatuloy lamang ang kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.

Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspension ng klase classes at/ o trabaho sa
government offices sa ibang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local
Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho para sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani kanilang pinuno.

Ang nasabing Circular ay dapat na kagyat na maging epektibo. Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here