MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Senado ang mga alternatibong paraan ng pagkuha ng lisensya para sa mga guro upang matugunan ang kakulangan sa workforce.
Sa kasalukuyan, kailangang pumasa ang mga guro sa Licensure Examination for Teachers (LET) ayon sa RA 7836.
Iminungkahi ng Teacher Education Council (TEC) ang mga bagong pamamaraan tulad ng pagsusuri sa pamamagitan ng proyekto, portfolio, at multimedia presentations sa halip na written exam.
Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat itong batay sa ebidensya at nakaayon sa mga nagbabagong pangangailangan sa edukasyon.
Suportado ito ng OECD upang mapadali ang pagpasok sa propesyon at matugunan ang kakulangan ng mga guro.
Ayon sa pag-aaral ng EDCOM at UNESCO, marami ang nagtuturo ng asignaturang hindi tugma sa kanilang espesyalisasyon. RNT