Home METRO Bicol, red-tide free na – BFAR

Bicol, red-tide free na – BFAR

MANILA, Philippines – Idineklara ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) Bicol na walang red tide sa rehiyon kaya ligtas nang kainin ang mga shellfish.

Binibigyang-diin ni Rowena Briones ang regular na monitoring upang maiwasan ang sakit gaya ng paralytic shellfish poisoning (PSP).

May apat na red tide monitoring areas sa Bicol: Sorsogon Bay, Juag Lagoon sa Matnog, at baybaying dagat ng Milagros at Mandaon sa Masbate.

Ang Milagros, na apektado mula Enero hanggang Pebrero, ay idineklarang ligtas na.

Patuloy na nagsasagawa ang BFAR ng pagsusuri, advisory, at suporta sa kabuhayan upang mabawasan ang epekto ng red tide.

Pinapaalalahanan ang publiko na huwag kumain ng shellfish mula sa apektadong lugar dahil sa panganib sa kalusugan. Santi Celario