MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Kamara ang pagtanggap ng mga artikulo ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte matapos na ibalik ito ng Senate bilang impeachment court sa kanila.
Ang hakbang ay kasunod ng paghingi ng House ng paglilinaw mula sa Senado.
“We will be seeking for clarification first and that’s why we opted to defer receiving the orders,” ani Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa isang briefing.
Iginiit pa ni Luistro na sumusunod sila sa Konstitusyon at nagpapatuloy na ang proseso dahil hawak na ng hukuman ang hurisdiksyon.
“We are certain and it is in the face of the impeachment complaint, that we are fully and strictly compliant with the requirements of the Constitution,” ani Luistro.
Giit pa ng mga mambabatas, wala pang ebidensyang naipapakita kaya hindi pa dapat husgahan ang kaso.
Isang misa rin ang isinagawa bilang protesta, kung saan tinuligsa ni Fr. Flavie Villanueva ang 18 senador na bumoto pabalik sa mga artikulo ng impeachment. RNT