Home ENTERTAINMENT Ice, masayang malungkot sa EB; Rochelle, nag-throwback!

Ice, masayang malungkot sa EB; Rochelle, nag-throwback!

Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account nitong May 31, Miyerkoles nagpakawala ng damdamin si Ice Seguerra kaugnay ng pamamaalam ng Eat Bulaga sa Tape, Inc.

The country’s longest running noontime show led by the iconic comic trio of TVJ bade farewell sa mismong araw ding ‘yon.

Sa darating na July 30, eksaktong 44 taon na ang EB.

Si Ice ay produkto ng EB makaraang tanghaling fourth runner-up sa Little Miss Philippines noong 1987.

Kaya ganoon na lang ang emotional attachment ni Ice sa programang nagbukas ng pintuan ng showbiz para sa kanya.

IG post niya: “Hindi ko alam kung malulungkot ako o masaya na nagpaalam na ang TVJ sa Tape, Inc.”

Ang TVJ ay binubuo ng magkapatid na Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon.

Ang Tape, Inc. naman ay ang producer ng EB na ang major stockholder ay si Romeo Jalosjos.

Ice went on to qualify her stand.

Malungkot daw siya dahil umabot sa hiwalayan ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng TVJ at ng pamilya Jalosjos who has taken control of the show.

May binanggit din si Ice tungkol sa kawalan ng respeto.

Mahihinuhang attributed ito sa mga bagong namamahala ng EB, linyang naka-align sa binitawan ni Bossing Vic Sotto when the entire Dabarkads went live on YouTube and Facebook.

May binanggit kasi si Bossing na ang tanging gusto nila’y “magtrabaho nang mapayapa, walang naagrabyadong tao at may respeto sa bawat isa.”

Niliwanag naman ni Ice na masaya na rin daw siya sa nangyari dahil: “Malaya na sila!”

Aniya, ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga: “Kahit saan man ito mapadpad, walang paltos sa paglipad!”

Hindi raw natatakot si Ice para sa kinabukasan ng EB: “Sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ‘yan ng maningning na bukas!”

Maging si Rochelle Pangilinan took to Instagram her sentiments about the TVJ’s decision.

Si Rochelle ay dating miyembro ng Sex Bomb Girls na matagal naging bahagi ng EB.

Nagpost si Rochelle ng larawan ng kanyang dating all-female dance group kasama ang Dabarkads.

Nilakipan niya ito ng caption: “Dito ako nagsimula. Dito ako nakilala. Dito ako lumaban at bumawi hanggang nag-spaghetti pataas at pababa ako.” Ronnie Carrasco III