Home METRO Ika-87 pumping station, binuksan sa Navotas

Ika-87 pumping station, binuksan sa Navotas

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman Toby Tiangco kasama ang mga opisyal ng lungsod ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa ika-87 na Bombastik Pumping Station na matatagpuan sa Ilang-ilang at Waling-waling Sts., Brgy. Tanza 2, Navotas. JOJO RABULAN

NAVOTAS CITY — Patuloy ang pagpapatibay ng flood control efforts sa Navotas matapos ang pormal na pagpapasinaya ng ika-87 Bombastik Pumping Station sa kanto ng Ilang-ilang at Waling-waling Streets sa Barangay Tanza 2.

Pinangunahan ni Congressman Toby Tiangco ang inauguration ceremony, kung saan iginiit niya ang walang patid na pangako ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng imprastraktura upang labanan ang pagbaha.

“We remain steadfast in advancing our flood control and mitigation efforts—not just to protect lives and safeguard property, but to ensure the long-term resilience and sustainable progress of our city,” ani Tiangco.

Binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat residente sa mga hakbangin laban sa baha. Hinikayat niya ang publiko na panatilihing malinis ang mga estero at kanal at iwasan ang maling pagtatapon ng basura upang maging epektibo ang operasyon ng mga pumping station.

“Flood control is not just about building infrastructure. It’s also about shared responsibility,” dagdag pa niya.
“These pumping stations can only perform efficiently if everyone contributes by properly managing waste and refraining from littering.”

Ang bagong pumping station ay nilagyan ng axial flow submersible engine na kayang magbomba ng 0.60 cubic meters ng tubig kada segundo. Mayroon din itong solar panels upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon kahit mawalan ng kuryente tuwing may bagyo o matinding pag-ulan.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na plano ng lungsod na maglatag ng sustainable at climate-resilient flood control infrastructure, habang aktibong kinikilala ang papel ng bawat Navoteño sa tagumpay ng mga proyektong ito. Jojo Rabulan