MANILA, Philippines – Naaresto ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na Chinese national at nakumpiska ang P1.7 milyon halaga ng puslit na puting sibuyas na pinalabas umanong chicken karaage strips sa isang 40-footer container van sa Barangay Laug, Mexico, Pampanga noong Abril 26, 2025.
Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang mga sibuyas na mula sa China ay misdeclared para makaiwas sa buwis.
Kinasuhan na ang mga suspek β na kinilalang sina Shengren, Jialong, Wei, at Dewen β sa ilalim ng Anti-Agricultural Smuggling Act.
βAng masigasig naming operasyon ay para pigilan ang smuggling na nagpapababa sa presyo at nagbabanta sa food security,β ani Torre. RNT