Home METRO Ilang coastal areas sa Leyte, E. Samar sapul pa rin ng red...

Ilang coastal areas sa Leyte, E. Samar sapul pa rin ng red tide

TACLOBAN CITY- Positibo pa rin ang katubigan sa ilang bahagi ng Leyte at Eastern Samar sa toxic microorganism na nagdudulot ng red tide.

Sa Feb. 26 advisory, pinanatili ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang local red tide warning sa Leyte, Leyte, at Matarinao Bay sa Eastern Samar saklaw ang mga munisipalidad ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, ar Salcedo, kung saan nagpositibo pa rin ang mga sample sa pyrodinium bahamense, isang dinoflagellate na kilalang nagpoprodyus ng red tide toxin.

Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkuha, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng shellfish at “alamang” sa mga lugar na ito upang maiwasan ang paralytic shellfish poisoning (PSP).

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimasag mula sa mga lugar na ito basta’t sariwa, nahugasang mabuti, at tinanggalan ng lamang-loob bago iluto. RNT/SA