Home HOME BANNER STORY Ilang komunidad sapul na naman sa lahar flow ng Kanlaon – PHIVOLCS

Ilang komunidad sapul na naman sa lahar flow ng Kanlaon – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Muli na namang naapektuhan ng lahar flow ang ilang komunidad sa timog at kanlurang dalisdis ng bulkang Kanlaon nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 7.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagdaloy ng lahar ay dulot ng thunderstorm sa bahagi ng Mt. Kanlaon.

Tumagal ng 80 minuto ang lahar flow at naitala naman ang kabuuang 28.22 mm ng ulan na tumagal ng 3.33 hours ayon sa All-Weather Station ng Manghumay, Mailum, Bago City Observation Station (VKMH) ng KVN.

Posibleng mas malakas pa ang ulan na naitala sa summit area ng bulkan.

“Lahars can threaten communities along the middle and lower slopes with inundation, burial and wash out. PHIVOLCS thus strongly recommends increased vigilance and readiness of communities along rivers draining southern Kanlaon,” saad sa abiso.

Inabisuhan ang mga apektadong komunidad na bantayan ang panahon at maghanda sa oras ng malalakas na ulan at pagdaloy ng lahar.

Binalaan din ang mga ito na iwasan ang pag-inom ng tubig na maaaring konektado sa bulkan.

Nananatili sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC