Home NATIONWIDE Ilang lokal na opisyal minamatyagan sa ‘pagkakasangkot’ sa droga

Ilang lokal na opisyal minamatyagan sa ‘pagkakasangkot’ sa droga

MANILA, Philippines- Binabantayan ng Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) ang ilang opisyal sa umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade na maaaring magamit upang pondohan ang kanilang kampanya sa midterm elections sa susunod na taon.

“We have reports in some municipalities in our provinces involved in the distribution of illegal drugs… allegedly [to] finance their desire to run for an election,” pahayag ni PNP-PDEG Director Police Brigadier General Eleazar Matta base sa ulat nitong Biyernes.

“Magdaratingan pa ang mga shabu na ‘yan, maybe on a  seaside entry, maybe  on a floating mode of entry. They have innovations,” dagdag niya.

Kasunod ang babala ng PNP-PDEG ng pagkakasabat kamakailan ng P75 milyong shabu sa isang buy-bust operation sa Ermita, Manila. Dalawang suspek ang nadakip sa operasyon.

“The suspects are key members of a major syndicate that has been fuelling the proliferation of illegal drugs across our country,” wika ni Matta.

Batay sa ulat, nadiskubre rin ng mga awtoridad na ang nakumpiskang liquid shabu ay madaling gawin at ibinebenta online.

“Lesser ang tama ng toxins sa ating neurosystem, ibig sabihin hindi masyadong  nakakabaliw. Nagi-inovate din po sila,” paglalahad ni Matta.

“This is alarming… transacting business through social media [is] very easy.  They take advantage of the technology, of social media, delivery apps. Napakadali for them to conceal,” ayon pa sa opisyal.

Wala pang komento ang mga naarestong suspek. RNT/SA