Home NATIONWIDE Ilang ospital sa US nagsara sa cyberattack

Ilang ospital sa US nagsara sa cyberattack

UNITED STATES – Napilitang magsara ang ilang ospital sa apat na estado ng Estados Unidos makaraang makaranas ng cyberattack ang isang US hospital group.

Ang Prospect Medical Holdings, na may 16 na ospital sa California, Connecticut, Pennsylvania at Rhode Island, ay nagtamo ng “data security incident,” sinabi ng tagapagsalita nito.

“Upon learning of this, we took our systems offline to protect them and launched an investigation with the help of third-party cybersecurity specialists,” sinabi pa nito.

Ang Waterbury Hospital sa Connecticut, pagmamay-ari ng naturang hospital group, ay naapektuhan ang lahat ng inpatient at outpatient operations nito dahil sa computer outage dahilan para ang mga staff ay gumamit ng “paper records, until this is resolved.”

Sinabi naman ng Eastern Connecticut Health Network na sarado rin ang kanilang urgent care center, at kanselado rin ang kanilang elective surgeries “until further notice.”

Ang insidente ay isang ransomware attack, at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa mas maraming detalye kaugnay nito.

Karaniwang napapasok ng ransomware attacks ang vulnerable computer systems at ini-encrypt o ninanakaw ang datos, bago ipadala ang ransom note na nanghihingi ng kabayaran kapalit ang decrypting ng datos o huwag lamang itong ilabas sa publiko.

Madalas na target nito ang healthcare groups.

“While our investigation continues, we are focused on addressing the pressing needs of our patients as we work diligently to return to normal operations as quickly as possible,” saad pa sa pahayag. RNT/JGC

Previous articleDiesel tataasan ng P3.70-P3.90 kada litro sa susunod na linggo
Next articleHinihinalang magnanakaw nahulog sa fire exit, dedbol!